Thursday, November 20, 2008

kahinaan

sa bawat patak ng luha

taos pusong pasasalamat

ang alay ko sa nagbigay buhay sa akin

salamat sa lahat ng gabay

salamat sa lahat bagay

salamat sa aruga

salamat sa buhay

na di nyo ipinagdamot sa akin


hindi sapat ang pasasalamat ko sa inyo

sa laki ng mga kasalanan na nagawa ko.

patawad sa lahat

patawad sa mga pagsagot sagot ko

patawad sa mga oras na ako ay nagmamarunong

at higit sa lahat...patawad kung kayo ay aking nasaktan

patawad.


sa Poong Maykapal,

isang malaking pagsisi po ang aking nararamdaman

sana po ako ay inyong mapatawad

wag nyo po akong iiwan

wag nyo po akong itatakwil

wag po o Ama,

kung maari po ay ako ay inyong kaawaan

sa lungkot na nararamdaman

sa pagkalugmok sa putikan

maawa po Kayo, ako ay inyong tulungan....


Sige na po pakiusap...ako po ay inyong patawarin.....

tiklop tuhod akong lumalapit..

bigyan nyo po sana ako ng lakas....

kelangan ko po Kayo....kelangan ko po Kayo parati...

Wednesday, November 19, 2008

kaplastikan

kung minsan di maiwasan
kaibigan na turing
kapatid na pakikisama
magandang samahan
ngunit naghihilahan parin pababa

anu nga ba ang pakielam ko
sino ba sila sa akin?
sino ba ako sa kanila?
siraan dito
siraan duon

isang malagim na dagundong
sa sikretong kasing dumi
ng putik

Friday, October 10, 2008

sa kawalan

nag aantay ng bagong pagsibol
bagong pag asa
pinipilit mag bago
pero madaming humahadlang

malungkot man isipin
ako ay nagigipit
sa pag papahaba ng pasensya

lagi na lang galit
lagi nalang nakasigaw
pero sa puso at isipan
nais magbago

bakit ganun
di maintindihan
damdamin na nababalutan
ng kaplastikan sa mundo

malungkot na masaya
masaya na malungkot

kulang na sobra
sobra na kulang

hanggang ngayun lutang parin
hanggang ngayun wala parin direksyon

buhay na puno ng pag asa
o
buhay na nawalan ng gana


ewan
bahala na

tama paba?

pero paano magsisimula
paano tatapusin
paano dudugtungang ang bagay na hindi natapos
paano pipigilan ang mali
paano magsisimula ng tama

tulala
malala
nawawala
sa kawalan

Wednesday, September 17, 2008

clorox

isang buwan na simula ng huling dalaw ko dito.
bigla akong nawalan ng gana
pagod sa trabaho
lutang parin sa kawalan.

darating na si ina
pero paano si ama
paano si kuya
paano si bunso
paano si tootzie
????

masaya na malungkot
madami parin akong gustong gawin at basahin
kulang ang oras
hindi
baka nagmamadali lang ako.

pero sa panahon ngayun
wala ako sa kamalayan
tuliro kung baga
di alam anu uunahin
di alam anu importante.

pero sige tuloy parin
hanggat umiikot ang mundo
sige lang ng sige
gawin ang lahat ng pwede.

pipilitin kong isa-isahin
ng sagayon malasap ang kasarapan
ng bawat bagay na pinili.

oks clorox.

Sunday, August 17, 2008

pakiusap

meron kulang

bigla nalang akong napaisip sa kawalan
tama ba ito
malapit ko na makuha ang gusto ko sa buhay
pero parang nag iiba ang ihip ng hangin sa utak ko

isa lang naman talaga ang dapat kong unahin, ang makasama kayo.
ayoko masayang ang lahat.
ayoko rin mag sisi sa huli.
iniisip ko kung pwede paba?
malapit na akong mag trenta, pwede ko paba maabot ang pinakapangarap ko nung bata pa ako?
praktikal paba?

baka sabit lang ito sa aking utak
baka nabigla lang ako.

kaunting panahon pa
para aralin ko ang aking sarili
sana tulungan Mo ako
pakiusap

Sunday, July 20, 2008

hopeful

and they offered me a job. (hooray!)
but i still need to finish my clinical training which would still take me less than four weeks.
and of course, i have not yet prepared the papers that i need to get a work permit cause of procrastination.(bwahahahaha!) kidding :) i am just too busy because of my so called "projects" :)
but i am full of hope. as always. :)

and just like what my friend told me, to think positively. that even if the outcome is not gonna be what i expected,that i should get positive things from it. and i should never lose my smiling pwet.(bumbalina :P )

Thank You Po for putting me in place where i feel so comfortable and most of all putting me in a place where i can use my talents. i am so near in getting what i really want in life.

Please always guide me. Thank you po talaga ng sobra.
Amen.

Sunday, July 6, 2008

lutang


Bakit hindi ako makagalaw
Bakit ako hindi makakilos
Isa lang naman ang gusto ko
Ang maging maayos ang lahat
Pero sa pagdaan ng oras
Parang walang ngyayari
Parang …..

Hindi ko alam kung nakapag simula naba ako
Hindi ko alam kung asan na ako
Nandito parin ba ako sa posisyon bago magsimula ang lahat?

Hindi ko alam
Wala akong alam

Tanga ng kung tanga
Pero kahit anu pa man,
Mag aantay ako

Pero sana po, ako ay Iyong tulungan.
Nagmamakaawa po ako.
Ako ay Iyong gabayan
Sige na Po
Diko na kaya pero di po ako susuko
Mag aantay ako sa Inyong mapagpalang kamay.

Wednesday, July 2, 2008

lubayan mo ako

o matinding kalungkutan
maari mo ba akong lubayan
lahit panandalian lamang

alam ko dika maaaring iwasan
ngunit ako ay nakikiusap
kung pwede sana
wag muna sa ngayon
dahil hindi pa ako nakakabangon
sa nakaraang pagkalugmok

Wednesday, June 18, 2008

rapdrap

pagyakap sa tunay na damdamin

natuto ka na bang magmahal?
naramdaman mo nabang mahalin ka ng iba?
ang may magmahal sa iyo ng higit pa sa isa?
at ikaw naman ay ang magmahal ng higit sa isa?
umasa kanabang may magmamahal sa iyo?

alam mo naba ang pakiramdam na walang laman?
alam mo ba ang tunay na kahulugan ng lungkot?


arggghhhhhh ikaw parin.

buhay

iba iba ang bilis ng takbo ng buhay
minsan ang ikot nito ay napakahusay
at ayon sa ating nais

ngunit minsan naman ito ay kay lumanay
na parang hangin sa patay
at nakakaantok

ganumpaman
patuloy parin ang paggulong nito

paano ngaba natin haharapin ang alinman
sa uri ng pag ikot ng ating buhay?

paano ngaba natin tutungihin ang daan
patungo sa ating mga pangarap?

anu nga ba ang mga pangarap natin?
hindi ba't iisa lang? isang masaganang buhay?

iisang pangarap at napakaraming paraan para ito ay makamit.

(diko alam tapusin. wala talaga ako gaana. siomai.)

Friday, June 6, 2008

para sa kapatid (ka dugo, kuya, ate, bunso)

nauna ko din ipost sa friendster, madaming natuwa

kung may nagawang masama sa iyo ang iyong kapatid, anu gagawin mo?
ipapahiya mo ba sya sa kanyang mga kaibigan? ididiin mo ba sya o hahayaan?
tutulungan mo ba o hahayaan mong malugmok sa mali?
pero kung ang iyong kapatid ay may nakaaway na ibang tao, o ang kapatid mo ay naagrabyado?
diba't mas matulin kapa sa kabayo para sya ay ipagtanggol?
diba at daig mo pa si flash elorde na puntahan ang nakaaway ng kapatid mo?
bakit ganun....
bakit kung kelan nya kelangan ang suporta mo, saka mo sya ididiin.
diba pwedeng hayaan mo nalang sya matuto sa sarili nyang paa sa halip na hilahin mo ang kanyang pagkatao pababa?
bakit dimo matutunan mahalin ang kapatid mo pag ikaw ang na-agrabyado.
ikaw ba sa CAIN, at ng paboran si Abel, binura mo sya sa mundo?
hindi ganun kuya. lalo na at ikaw ang nakakatanda..
kung alam mong nagkamali sya, hayaan mo syang matuto kung ayaw mo man tulungan.
wag mong palubugin ang lubog na.
at wag mong italikod ang iyong pagmamahal at suporta kung kelan ka kailangan.
kung ayaw makinig edi pabayaan mo.
hindi yung papahiyain mo pa.
kung ikaw namroblema, sino ba una mo lalapitan? diba kapatid...dahil nahihiya kapa sa magulang humingi. dahil wala kang maihaharap sa magulang..pero sa kapatid...pinagdikit na ang bituka nyo...
diko sya kinakampihan. kung mali man nagawa nya, hindi sya sa akin nagkasala.
at kung may nagawa man sya sa akin, dapat ba ako gumanti? makatao ba na gantihan mo ang kapatid mo?
ito ang mga bagay na diko nadama sa iyo.
pero diko pinansin dahil naiintindihan kita at ang pinagdaanan mo.
tinadtad mo ako sa pagkapahiya sa ibang tao nuon sa mga kilos na iyong ginawa.
naalala mo pa ba yun yung dustpan?
eh yung inapakan mo yung mapa ko ng putikan mong paa.
naalala mo paba yung gusto mo bumili ng mga bala ng iyong laruan, pero wala ka makasama?
nung bumili tayo ng dvd sa quiapo?
nung maysakit ka sa tyan at nanginginig kana?
nung masakit ang ngipin mo..
kapatid lang ang mahihingian mo ng tulong. lalo na at matanda ang ating mga magulang.
di naman ako nakakalimot
nandito lang ako
at kasama ka parin sa pangarap ko
bakit?
eh kapatid kita eh.
kahit na ang bukhang bibig mo ay wala akong mararating. oks lang
dito lang ako. di kita ilalaglag.
tol.

para sa mga EX

nauna ko itong ilagay sa friendster.


wag mo ipakita na hurt ka o apektado
wag ka magmakaawa na balikan ka
at higit sa lahat, wag mong tatawaging bayaw ang kapatid ng ex mo. ex mo na nga eh.
wag mo hayaang malugmok ang sarili mo sa kakaisip
wag mo itigil ang sarili mong mundo dahil ikaw din ang maiiwan
wag kang gumawa ng alam mong di tama nagagawain mo lang dahil badtrip ka
oo masakit
oo nakakaloka
parang katapusan na ng lahat..
pero ang totoo
simula palang ito ng paglakas o pagtibay ng iyong damdamin.
simula palang ito ng bagong yugto ng buhay mo.
may plano ang Diyos para sa iyo.
dahil sa tamang oras
sa Kanyang oras, wala kang mararamdamang hirap.
basta gawin mo kung anu ang tama.
wag mo piliting maging rebelde. dahil buhay mo rin ang masisira.
sa halip, pihitin mo ang ikot ng iyong manibela. itungo mo sa direksyong alam mong tama.
unahan mo ng paghingi ng gabay bago ka mamili ng dadaanan.
;) at ang lahat ay aayon sa tamang lugar.

Saturday, May 31, 2008

patuloy...

patuloy parin ang pagwasak mo sa aking puso.
patuloy parin ang pagkamanhid mo o sadyang kay galing ko lang magtago.

...


patuloy parin akong mag aantay na maramdaman mo ang nararamdaman ko

at kung hindi man tayo umabot doon,

di ako mawawala na parang bula,

sa halip

patuloy akong magmamasid sa iyong likuran

at kung pakiramdam mo ay wala ka ng pag asa

tumingin ka lang sa iyong likuran,

dito ako mag aantay

hanggang mag abot ating kamay.


para kay talakitok

Saturday, May 24, 2008

kumpisal

Nung mga nakaraang linggo, hindi maayos ang buhay ko.
Lagi ko pinipilit ipihit ang direksyon ng buhay ko sa alam kong tama.
Ngunit sa bawat pagsubok na gawin ko, palaging may kulang.

At sa bawat oras, ang dahilan na maari ko lang isipin ay ikaw.
Ito ang mahirap sa akin, hindi ko alam ihiwalay ang mga sitwasyon sa dapat nilang kalagyan.
Hindi dapat maapektuhan ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko ng isang sitwasyong wala sa lugar.
Subalit wala akong alam na paraan para paghiwalayin ito.
Sang ayon ako na hindi kailan man mapipigil ang silakbo ng damdamin.
Pero ang kilos o galaw na nakaugnay dito ay pwedeng baguhin.

Hindi ko alam bakit ako nagpapapaapekto masyado.
Ang nakakainis lang, bakit minsan,..
o sa kadalasan ay hindi ka man lang pinapansin ng taong gusto mo.

Bakit ganun, bakit hindi ka pwedeng gustuhin ng taong gusto mo.
bakit hindi ka pwedeng mahalin ng taong mahal mo.
bakit hindi pwede. bakit madaming mali. bakit madaming bawal.
kahit na ang pakiramdam ay tama.

Mali ba ang magmahal?
Mali ba ang magkagusto?
Mali ba na i alay mo ang isang parte ng buhay mo sa isang tao na pakiramdam mo ay karapatdapat makatanggap nito?

Bakit mahirap ang maging maligaya.

durog ang aking puso.
durog na durog.

dati gusto lang kita.
dati natutuwa lang ako sa iyo

ngayun ako ay nasasaktan
siguro nga ay mahal na kita.

Friday, May 23, 2008

talakitok

sa tindi ng galit
ulo ay uminit

pakiramdam ay ginago
ng mapaglarong mundo

di mo nakita
paghihirap na ginawa

di mo pansin
hirap at tiisin

ikaw ay malupit
sa damdaming gipit

magkaganun paman
hangad ko ay kasiyahan

nawa ika'y magtagumpay
wag kalimutang kumain ng gulay

talakitok
o
talakitok...

Sunday, May 18, 2008

arghhhhhhhhhhhhhhhhh

bakit dimo maintindihan

isa pa

arrggggggggggggggggghhhhhhhhhhhhhhhh

namumulaklak


sa iyong paglisan
aking natuklasan
kaunting nilalaman
sa aking isipan

pwede pa
pag asa ay nasa pagitan nating dalawa
maaring mag antay
at damdamin ay magbabantay

buhay ko ay aayusin
alaala mo ay babaunin
tayo magkikita pa
hihilingin ko sa Kanya


;)

( 5 yrs...pwede.kaya...
di ako mawawalan pag asa )

Thursday, May 15, 2008

biloy

ngiti

pantangal ng lumbay
sa taong may saklay

madilim na araw
sumakay sa kalabaw

ah basta
akoy nakangiti
mga biloy ay litaw
dahil sa kasiyahan

;)

Wednesday, May 14, 2008

sugat

paano maghihilom
ang sugat na mas malalim sa balon

paano gagaling
kung ito ay patuloy na lumalalim

naging manhid
sa tindi ng hapdi

delusyonal

pati pag iisip
apektado ng sakit

nilalamig at nag iisa
sino ang mag aaruga

hanggang kelan ang titiisin
para sugat ay gumaling

masokista

pag-aksaya ng oras
ang tanging dinaranas

inaantay na ikaw ay makita, makausap
kahit na ikaw ay abala sa alapaap

damdamin ko ay nagdurugo
sa kasabikan ngunit bigo

sa bawat segundo
ako ay naninibugho

sabik na makita
mukhang matalinhaga

pero patuloy na magtitiis
dito sa malalim na batis

hanggang sa pagdating ng araw
muling magtatama ang ating galaw

Monday, May 12, 2008

pokus

ako ay isang lente
na laging torete

di alam san titingin
di alam kung ganu kalalim

produktong larawan
ay lagi sa kawalan

maiaayos paba
napabayaang buhay?

kawawa naman
ang lenteng windang

Sunday, May 11, 2008

elvie

inay

nay
ikaw ang aking gabay
pang habang buhay

ikaw ang aking inspirasyon
sa lahat ng pagkakataon

bagsakan man ng problema
pag aalaga mo ay sintamis ng yema

walang ka kupas kupas
parang singkamas

inay
salamat sa lahat
kahit ako ay may balat

patawad kung minsan
ako ay nasapian
at ikaw ay nasigawan

diko sadya
ang mga salita

matinding pagsisi
pagkatapos ito mangyari

inay
mahal ko ikaw
na tulad ng pakaw sa hikaw

dahil ang hikaw
ay malalaglag
pagwala ang pakaw


happy mother's day po inay.

Thursday, May 8, 2008

selos

selos
isang matinding emosyon
hinugot sa balon
ng matinding obsesyon

selos
sa pagitan ng iniirog
at ng isang taong
kumakain ng bubog

selos
pagsaksak sa puso
pagpunit sa pagkatao
kaluluwang kinurot

selos...

Wednesday, May 7, 2008

What's Your Expression Number?


Your Expression Number is 6



You have an outstanding sense of responsibility, love, and balance.

You are helpful and inclined to comfort those in need.

You have many artistic and creative talents, but you only use them to better others.



You are loving, friendly, and appreciative of others.

You have a depth of understanding that produces much kindness and generosity.

Openness and honesty are apparent in your approach to all relationships.



Sometimes, you can be too demanding of yourself.

At times, you tend to sacrifice yourself for the welfare of others.

At other times, you have trouble distinguishing between helping and interfering.


Tuesday, May 6, 2008

malayo


matinding pagkalungkot
muling narugmok

nakatulala sa hangin
lutang sa isipin

madaming binalewala
hinayaang kumawala

paano ba
muling magsimula

maari bang pagbigyan
kalagayan na windang.

bakit ganito
mundo ko'y muling huminto
naiwan sa pag ikot

kailangan kong humabol
sa sasakyang mabilis tumakbo

kulelat na
lugmok talaga

o sana naman
matauhan

ang isip kong windang
na sobrang nagulumihanan

maari ba akong makiusap sa Kanya
ako sana ay 'wag Nyang pabayaan

patuloy na bigyan ng lakas
sa mundong pilit tinatakasan

kelangan ko ang Kanyang gabay
kelangan ko ng lakas galing sa Kanya

sapagkat ako ay isang taong windang
na sobrang ligaw at malayo sa kawalan

Monday, May 5, 2008

kuliling mp3s

ang aking mga awitin ay ginawa ko ng mula sa kaibuturan ng aking puso at kaluluwa (drama)

sana ay maibigan nyo



kung kayo ay may bayolenteng reaksyon, sabihin nyo lang
kung kayo ay natuwa, sabihin nyo rin ;)

makulit na isipan

kaka spy ko sa isang tao sa facebook
iba ang aking natagpuan

hehehe, simple pero kwela
parang ako
wahahahahaaha (biro lang)

enjoy

Friday, May 2, 2008

ang aking bersyon ng "so sick"

yo yo yo friends!
wala lang
wala na naman ako magawa

kaya eto ang aking alay sa inyo mga repapeepz



Gotta change my answering machine
Now that I'm alone
Cuz right now it says that we
Can't come to the phone
And I know it makes no sense
Cuz you walked out the door
But it's the only way I hear your voice anymore
(it's ridiculous)
It's been months
And for some reason I just
(can't get over us)
And I'm stronger then this
(enough is enough)
No more walkin round
With my head down
I'm so over being blue
Cryin over you

And I'm so sick of love songs
So tired of tears
So done with wishing you were still here
Said I'm so sick of love songs so sad and slow
So why can't I turn off the radio?

Gotta fix that calender I have
That's marked July 15th
Because since there's no more you
There's no more anniversary
I'm so fed up with my thoughts of you
And your memory
And how every song reminds me
Of what used to be

That's the reason I'm so sick of love songs
So tired of tears
So done with wishing you were still here
Said I'm so sick of love songs so sad and slow
So why can't I turn off the radio?


sinasakal ako ni lola habang kinakanta ito

Thursday, May 1, 2008

isang hapon...

di ako binigyan ng talento sa pag-awit
kaya ang awiting ito
ay alay ko
sa mga sintonado


I see you, you wit her- she ain't right but you don't trip
You stand by, while she lies- then turn right round and forget
I can't take to see your face, with those tears run down your cheeks
But what can I do- I gotta stay true
Cause deep down I'm still a G

And I don't wanna come between you and your girl
Even though I know I treat you better than she can

boy I can't help but wait
Til' you get that with her, it don't change
Can't help but wait
Til' you see that wit me it ain't the same
Can't help but wait
Til' you, see you, for what you really are
Baby boy you are a star
And I can't help but wait

---
mali mali lyrics ko. wahehehe

Wednesday, April 30, 2008

r&b mode

current playlist

  1. kryptonite-mario
  2. i wanna know-joe
  3. no one else comes close-joe
  4. skippin-mario
  5. halfcrazy-musiq
  6. dont change-musiq
  7. just a friend-mario
  8. weak-swv
  9. saving all my love-whitney
  10. rainydayz-maryjblige
  11. nice and slow-usher
  12. simple things-usher
  13. god must have spent-nsync
  14. icebox omarion
  15. cant help but wait-trey songz
  16. wonderwoman-trey songz
  17. missing you-trey songz
  18. bring me flower-hope

diko lam, feel ko lang ngayun tong mga kantang to.
mas maganda lyrics na gawa ng lalaki kaysa sa gawa ng babae

pero pareho lang naman nararamdaman ng pareho.

Tuesday, April 29, 2008

bad news/good news


badtrip...di ako pinayagan mag work...
kelangan tapusin ko agad mag aral
ng makahanap employer...

Sunday, April 27, 2008

syete

eto na naman
nararamdaman ko na
napakalapit na


gusto ko ng sumigaw

kalungkutan...
bakit ba pilit mo akong hinahabol
dimo ba alam, lugmok na lugmok na ako

maari ba makiusap,
maari bang bigyan mo ako ng pagkakaktaon
na itayo ang aking pagkatao
bago mo ulit ito pabagsakin

lutang
durog
windang
tuliro

maari bang layuan nyo muna ako
pakiusap
kahit saglit lang

nana

nana
(ay isang manilawnilaw na likidong namumuo sa
lugar ng naimpeksyong sugat.)


minsan madami tayong mga nasasabi na pinaniniwalaan natin
ngunit pagkalipas lang ng ilang araw,
pagnadanasan ang ibang bagay
ang paniniwala natin ay mag iiba

hindi ako sigurado kung ito ay sa akin lamang o nararamdaman din ng iba
hanggang sa ngayun ang naging karanasan ko ay kakaiba at nagpapabaliktad ng tingin ko sa mundo

ito nga ba ay sa kadahilanang nagbabago ang mga tao ng kusa
at mula sa puso at isipan?
o ito ay dahil sa ating kapaligiran?

maari ngabang magbago ang paniniwala mo kung ikaw ay nagigipit?
o paninidigan mo ang iyong nasa isipan?

maari bang magbago ang paniniwala mo dahil sa bugso ng damdamin?
kung oo, gaano ang itatagal bago mo maramdaman ang panghihinayang?

maari mo pabang ibalik ang nakaraan para lamang baguhin ang nagawa mo?
gaya rin ito ng isang bagay na iyong nasabi, pinanindigan,
maari mo pabang bawiin ito ng walang pag aalinlangan?

ang totoo,
walang nakakaalam

at hindi hindi mo malalaman kung anu ang kakalabasan ng iyong ginawa
kung hindi mo susubukan

ang kelangan lang eh lakas ng loob sa pagtanggap sa mga maaring mangyari
at kahandaan ng sarili

hindi mo kakayanin labanan ang emosyon kahit anu ang gawin mo
maari mong kontrolin ang ang iyong reaksyon, ngunit
kahit kailan, ang iyong nararamdaman ay hindi magbabago

gaya ng isang taong galit;
maari mong kontrolin ang iyong reaksyon, kagaya ng pagdadabog
pero ang galit sa iyong puso at isipan ay mananatili.

hanggang ngayon
ang aking nararamdaman
ang aking nasa isipan
ay napakagulo

ang mga isyu na bumabalot sa aking pagkatao ay hindi naman napakalaking bagay
kumpara sa ngyayari sa mundo
ngunit hanggat ito ay aking hindi nasosolusyonan
hindi ako magiging epektibong mamamayan sa mundo

naway bagsakan ako ng
kalinawan
kapayapaan at
katalinuhan
sa pag iisip

bagsakan ako ng
pag ibig
pagmamalasakit at
pagpapahalaga
sa puso

nais kong ibahagi
ang natitira kong oras
para sa mundo
at sa bawat nilalang na ginawa ng Diyos


matuto sana akong
makihalubilo sa samut saring karanasan na pwede kong daanan
mahirap ang naiiwan sa pag ikot ng mundo
mahirap ang maging isang basura
mahirap maging isang parasitiko

hiling ko lamang
magkaroon ako ng paninindigan
sa aking pinaniniwalaan

hiling ko din
ang kamulatan
sa mga bagay na pilit bumabagabag sa aking puso at isipan

balatkayo lamang
ang aking pagkatao

alam mo na siguro kung bakit.

Wednesday, April 23, 2008

adik na ako dito

kung gusto mo pamatay oras
nakakatuwa


www.scrabulous.com


nognog at bulag

may isang nognog
kumakain ng itlog

tinawag na balog
biglang nagdabog

kutsara ay nalaglag
siya pala ay bangag

tinulungan ng bulag
na laging nasa lagalag

dito nagsimula
ang bulag mamula

araw araw nalang
laging inaabangan

nognog ay natakot
tamakbong baluktot

bulag ay nalungkot
puso ay kumirot


nanahimik sa lungga
kasama ang mga daga

hehehe
_______

Tuesday, April 22, 2008

kasalanan

isang malaking kasalanan ang pagsagot ko sa iyo

diko na kaya magtimpi
pagod na ako pero di ka maawa
pasimple kapa
pagod na talaga ako *tears*

syete
kung anu anu na naiisip ko

lutang
windang
nag - iisa


Monday, April 21, 2008

tatay

tatay ko

may topak yan
parang ako

sabi nga eh mana mana lang yan
pero bakit ganun ano

minsan galit na galit mo ang isang tao
pero sa loob mo may nakatagong
pagmamalasakit
pagmamahal
para sa taong ito

totoo nga siguro ksabihang "the more you hate, the more you love"
di lang tumutukoy sa relation ng dalawang magkasintahan
kundi pang pamilya rin
rubbing alcohol

wahahahaha

pero itay
tagal kitang di nakausap

na miss po kita ng sobra
at napatawa mo na naman ako

sana makasama ko na kayo dito
at dito pwedeng magsimula ulit
ng buo tayo at may sinasampalatayaan

gusto ko na kayong mayakap ni nanay
dahil simula nuong bata ako
wala akong maalalang sitwasyon na niyakap ko kayo

hehe

syempre kung kelan tumanda
saka nagkakaisip
saka natatauhan

hehe

drama

kitakitz
bakulaws
balakubz

hehe

Sunday, April 20, 2008

smokey mountain?

hahay

tayo nga ba ang gumagawa ng problema natin?
tayo ba ang nagpipilit magsiksik ng bawat pagsubok sa ating buhay?

diba pwedeng simple na lang?
diba pwedeng ayon na lang sa tama?

akala ko manhid na ako
akala ko di na ako makakaramdam pa ng sakit
akala ko tapos na ang lahat

pero mali pala

dahil sa bawat pag pintig ng puso
dahil sa bawat hininga

katumbas nito ay sakit
pagdadalamhati

pwede po ba akong magreklamo?
pero wala akong karapatan

di ko na po alam
tulungan nyo ako

parang awa nyo na

ako nga ba ang nangangailangan ng tulong?

arghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

syete

ni kaibigan wala ako....

Friday, April 18, 2008

headband part 1


naputol ang headband ko
$8.00 ang bili ko
tumagal lang ng isa at kalahating buwan

buti pa headband sa pinas
P15.00 lang eh mahigit isang taon ang tagal

senyales ba ito?
hehehe

parang big deal

pero oo
comfort object ko
di ako mapakali pag wala nito
meron pang iba
pero naging mahigpit ako sa headband na ito.

anu ng gagawin ko
di ako mapakali

wahahahahaha
ayoko na magsuot
magpapagupit ba ulit ako?

hmmmm
sige sige

ano naman ay medyo masaya
kaya magpapakulot ako.
wahahahahaha.

...itutuloy

Wednesday, April 16, 2008

bugso


bugso

kay ganda ng araw
kay ganda ng panahon

bakit ang nararamdaman
biglang nagbago

sa pagkakaalam
ay napakasaya

bakit bigla nalang
nag iba

lungkot na pilit
sumisiksik
sa damdaming
nagugulumihanan

oo
sila ay aking inaasam makita at makasama

pero sa tuwing makakausap
balatkayo ang aking nararamdaman

o Ama sa kalangitan
ako aya iyong tulungan

alisin Mo ang bigat at kalituhan
ako po ay nagmamakaawa

tikop tuhod lagi sa Iyong harapan
sige na po Ama, pakiusap

Iparamdam Mo sa akin
pagmamahal at kalingang aking kailangan

Maawa ka o Amang makapangyarihan
haplusin Mo ang aking puso at isipan

Balutin ng pagmamahal Mo
ang buo kong katauhan.

Amen.

Monday, April 14, 2008

april 14

'Was late in class this morning. Hehehe. Kasi ba naman kung anu anung kalokohan dumaan sa aking isipan. Dumaan ako ng Parliament para tignan kung may iba pang tumatakbo, pero sa kasamaang palad, nakita ko na masyadong napakaraming tao. Gaya ng isang gym na pinuntahan ko, saksakan ng dami ng intsik. Wahahaha.

Stroke ang pinagusapan namin sa klase. Nanuod muna kami ng maiksing palabas tungkol dito. Ang daming tanong ni Halyna, nakakaloka na nakaka-asar. Paulit ulit na pinaliwanag ni Hillary na dipende sa lugar na tinamaan sa iyong utak ang sintomas na iyong makikita. Pero itong isa ang hirap umintindi. Di naman sa nagmamagaling ako pero dapat nag ESL muna sya. Anim na taon na siya sa Canada pero hirap syang umintindi ng inlges. Nakausap ko ang kanyang mga anak at magagaling naman ito mag salita. Hindi ko lang lubos maisip kung paano sya nakatagal ng hindi o hirap sya masyado umintindi. Naalala ko nuon, umabot kami ng alas 7 ng gabi kakapaliwanag ko lang ng masels ng lower extremities. Hahay.

Kelangan magtyaga dahil kulang kulang 2 months nalang at tapos na ang lahat!

Naturuan din kami ng retrogade massage. Wahehehe ang kulit ni Pedro. Buti nalang di ako nagmasahe sa kanya kasi ang dami nyang buhok! wahahahaha! minsahe nya ang aking mga binti, ang laki nyang tao at ang gaan ng kamay nya ;) kakatuwa :) Kakainis lang at lagi nya akong tinititigan at ako lagi ay napapaiwas. Euwwwwwwwwww!!! kakadiri! wahahahaha. Ayaw ko sa bata. wahahahaha.

Pag uwi, tuloy ang kwentuhan namin ni Katerina. Buti nalang mabait sya. Wahehehe. Bumabaa ulit ako sa Yonge, bumili ng fineliner. Ubos lagi ang pera ko sa letseng marker. Adik? pag uwi naglakad ako at masarap ang hangin na tumama sa aking mukha. Maaraw na malamig.

Madami akong nakitang tao. Masaya. Laging masaya pag maaraw :) Sumikat ang araw ng 645 am at eto, palubog palamang samantalang alas 8 na ng gabi ;)

Gusto ko na talaga dito. Sana maging maayos na ang lahat :) Exited na ako magtrabaho. :D

ahehehehe. nakangiti ako palagi
salamat po sa Inyo.

Friday, April 11, 2008

naks

Harlene Santiago

Thursday, April 10, 2008

tawa

Everytime that I look in the mirror
All these lines on my face gettin clearer
The past is gone
It went by like dust to dawn
Isnt that the way
Everybodys got their dues in life to pay

I know what nobody knows
Where it comes and where it goes
I know its everybodys sin
You got to lose to know how to win

Half my life is in books written pages
Live and learn from fools and from sages
You know its true
All the things come back to you

Sing with me, sing for the years
Sing for the laughter, sing for the tears
Sing with me, if its just for today
Maybe tomorrow the good lord will take you away
(x2)

Dream on, dream on
Dream yourself a dream come true
Dream on, dream on
Dream until your dream come true
Dream on, dream on, dream on...

Sing with me, sing for the years
Sing for the laughter and sing for the tears
Sing with me, if its just for today
Maybe tomorrow the good lord will take you away


ayan na take away ka tuloy sa idol
pero hanga ako sayo dude!

boses palang
itsura pa

hanga talaga ako sa mga kumakanta ng
rock, alt rock at kung anu pang katulad

diko alam kung pareho tayo pinagdaanan
pero alam ko ang aking nararamdaman
ay maiilabas ko lamang tulad sa musikang iyong pinili

ang alam nila palatawa ako
ang alam nila walang problema akong dinadala

dinila alam
sa likod ng mga nakakatawang salita na lumalabas sa akin bibig
ay katumbas ng tinik na bumabaon sa aking dibdib

subalit
sa inyong mga ngiti,
nakikita ang dahilan ng aking pananatili

ito ang paborito kong awitin nung ako nasa mataas na paaralan palamang

What's This Life For
Hurray for a child
That makes it through
If there's any way
Because the answer lies in you
They're laid to rest
Before they know just what to do
Their souls are lost
Because they could never find
What's this life for
I see your soul, it's kind of gray
I see your heart, you look away
You see my wrist, I know your pain
I know your purpose on your plane
Don't say a last prayer
Because you could never find
What's this life for
But they ain't here anymore
Don't have to settle the score
Cause we all live
Under the reign of one king

pero ngayun,
takot ko lang na sugatan ang aking katawan

ngunit napansin ko
sa pagiwas sa ganitong bagay
pilit ko parin sinasaktan ang aking kaluluwa
sa mga desisyong hindi tama

may magagawa pa ba ako?


maybe tomorrow, the good Lord will take me away...

i miss my doggie....woot woot

Wednesday, April 9, 2008

Attracting and Retaining Foreign Students

To attract foreign students and facilitate their arrival in Canada, CIC will improve the processing of their visas at missions abroad. For example, an online application system, as well as other measures to improve service and speed up processing, will be implemented for student visas.

To allow students to build their skills through work opportunities in Canada, CIC created the Off-Campus Work Permit Program in 2006. This program allows students attending recognized post-secondary educational institutions to work part-time off campus. As well, the Post-Graduation Work Permit Program was significantly improved by allowing students to work up to two years after completing their studies.

The CEC will make it easier for certain international students with Canadian credentials to apply for permanent resident status without having to leave Canada. The prospect of eventual Canadian citizenship, combined with these other initiatives, will give us a marketing advantage as our schools and employers look to recruit the best and the brightest from around the world.

www.cic.gc.ca

mali lahat to

mali lahat ang nakaraan

sa panag inip lang ito nangyari

nagising na ako nayon.

;)


salamat rhum!
isa kang tunay na kaibigan

;)

*hugs*

pinagbigyan

napakahusay
wala ng hihigit pa sa Kanyang kapangyarihan

magkikita na kami
napakabilis
parang kelan lang

tapos ngayon
eto
isa pa ang nalutas
na problema

alam ko mabigat parin sa loob ko
pero
ito lang ang paraan

pasensya na

alam ko naman
naiintindihan mo

Kudos sa iyo
Malayo ang mararating mo


sayang lang
kasi masaya ako pagkausap ka

pero ayos narin ito
diba?
walang isipin
walang problema

pinagbigyan ako ng pagkakataon
na makilala ka
at ngumiti
dahil kung alam mo lang
kung gaano kabigat ang aking dinadala

pero ayos na
wag na pahabain pa

salamat ulit! ;)

Tuesday, April 8, 2008

chloroform

umaga palang
bat bat na ako ng problema

pati ba naman ikaw proproblemahin ko pa

pero ang diko matanggap
wala na yung paborito kong lolo

lolo Donato

manila girl ang tawag nya sa akin nuon
sya ang kumumpleto sa buhay ko
nung wala si lolo ben

sya nagpapalakas ng loob ko
sya ang naghikayat na ako ay mag abogado

sorry po at di ko ito talaga kinahiligan
sayang

di man lang kita nakita
bago ako umalis

nalulungkot ako
kasi ikaw nalang ang lolo ko

naalala ko pa nun nangingisda tayo
sa inyong palaisdaan
tilapya, bangus
at kamatis

hahay
kung asan ka man ngayun sana okay ka po

magkikita din tayo
at baka malapit na

Monday, April 7, 2008

LITO : A -- confused, turbid, perplexed, disconcerted, puzzled, nonplussed, sea: at sea N -- confusion

hindi ko alam kung ito ay hindi pareho ng idea sa mga nauuna
pero ang alam ko sa ngayun,

hindi pwedeng turuan o baguhin ang iyong nararamdaman
maaring makalimot ka saglit

maaring akalain mo na tapos na

maaring pakiramdam mo ay ayos lang lahat

pero ito ay maari lang

hindi ka parin sigurado

kung nandyan pa ang dating mong nararamdaman

kung malungkot ka, ay malungkot ka parin

kung masaya ka, ay masaya ka parin
pagkatapos ng pagibang direksyon ng iyong nararamdaman

babalik din ito sa dati hanggat walang pumipigil o tumatapos dito


gayahin nating halimbawa ang buhay ko,


bata pa ako,
pakiramdam ko mag isa lang talaga ako

kahit saksakan ng dami ng kaibigan ko

tawa kami ng tawa

laro ng laro
pero sa huling oras ng araw,
ako uli mag isa

baunin ko man ang karanasan sa aking pagtulog

ang katotohanan parin ay nag iisa ako


sa ngayon, malayo ako sa pamilya ko

sila ang ginawa kong inspirasyon

una si tatay, dahil diko sya kasama sa paniniwala

at gusto ko na makasama ko sya


si nanay, dahill di sya nawalan ng pag-asa sa buhay
kahit iba ako para sa kanya.
nanay talaga ang ilaw ng tahanan

sa mga kapatid ko,
na pag nag away kami eh lumilindol ang bahay

gwapo nga kayo, nasa akin naman lahat ng utak...hanggang baba(chin) :P

malayo ako sa kanila,

at malungkot ako dahil di kami buo

halos walong taon akong nanatili sa bahay na walang pamilya

walang nanay at tatay

at ngayon ako naman ay nalayo

miss na miss ko na sila
at ako sobrang lungkot


ilang buwan ang nakakaraan
ng naramdaman ko
ang matinding pagkalungkot
iyak dito, iyak doon
dumating ang araw

nag iba ihip ng hangin

tawa na lang ako ng tawa
masaya


pero anu nga ba ang totoo...


nasa malayo parin ang pamilya ko

masaya ba ako o malungkot?

sila nga ba ang nasa puso at isipan ko?

pero paano naman ako?

anu nga ba ang kailangan ko?

panu ngaba tumanda?

nasa edad ngaba ang pagtanda
o nasa karanasan?
masasabi mo bang tumatanda ka
kung kulang ka ng karanasan?
ang dami pang tanong sa aking isipan.
bibili nga ako ng Book of Answers.
;)

baka sakali,
matagpuan ko duon
ang mga kasagutan...

lahat nga ba ng tanong ay may kasagutan???

Saturday, April 5, 2008

gandang balita

pwede na akong maging permanent resident without going back!
but im still gonna go back, bakasyon eh ;)
i miss my family,
nanay ko, gusto na kitang yakapin ng mahigpit
tatay ko, gusto na kita sapakin, este yakapin. wahahahahaha
mga kapatid kong PG na tulad ko (patay gutom? poging gago? wahahaha)
khyl....makulit na khyl...pwede na kita ampunin...*tears*
wahahahahaha
miss ko na kayong lahat....
si easter..at baby jason.

hahay


see you soon

Friday, April 4, 2008

takbo

ang dami ng tumatakbo sa aking isipan
sa sobrang dami hindi ko alam kung san ako magsisimula

gaya ng gawain ko sa bahay
sa sobrang dami
natatambakan ako.
ngayun pa napakasakit ng mga braso ko

pang limang araw ko ng binubuhat
dumb bells na makikinang

gusto ko ng tumakbo
pero diko gusto ang panahon

gusto ko din bumalik
sa larangan ng pagsipa at pasuntok
pero san ako kukuha
ng perang ipang tutustos

arghhh
ang dami kong gustong gawin
gaya ng dami ng gusto kong isulat
at gaya din ng dami ng kalokohan sa aking isipan
isabay pa ang dami ng problema sa aking buhay
dami ng hinanaing sa magulang
at dami ng tubig sa karagatan (huh?)

nagdadamdam parin ako sa aking ama
alam ko may mali ako
pero...
pero tama bang magdahilan ako at mangatwiran ng ganito?

makakalimutan ko din ito
gaya ng paglimot ko nuon
sa mga pasang nakuha
na mula sa kanya

mahal ko ang mga magulang ko
gaya ng lagi kong panalangin
kahit na walang mangyari sa buhay ko
kahit na diko matupad ang mga pangarap ko
mapagsilbihan ko lang kayo

gaya ng dahilan ng iba
ako ay tao lamang
kinikilig din
wahahahaha

maniwala ka man o hindi
ang ngiti na dulot ng kilig na ito
ay nanatili parin sa aking mukha

______________

pangako bukas,
pagtuyo ang daanan,
ako ay muling tatakbo
at iisipin ang buo mong pagkatao
na nagdudulot
ng aking kasiglahan

______________
DEAR GOD
THANK YOU PO
NG SOBRA

Thursday, April 3, 2008

alay ko sa iyo, giant.


sa isang iglap lang nagbago ang ihip ng hangin
kahapon napakasaya
ngayun namay nagsimula na namang gumuhit
ang gasgas na magiging sugat

pero nang makita ko ang iyong likha, ang iyong ngiti,
ang hapdi na dulot ng sugat ay dina naramdaman

ang swerte ko pala dahil nakilala kita
ang swerte ko dahil sa dami ng tao na pwede mong kausapin
napili mo ako

napapangiti mo akong parati kahit sa anung oras
bago ako matulog nandyan ka,
pagkagising ko nandyan ka parin
bago ako pumasok nandyan ka

Alam ko di tama na ikumpara kita sa KANYA
kasi wala ng hihigit pa sa KANYA
pero sa bawat oras na mangailangan ako nandyan ka

pwede bang akin ka nalang?
maaari ba?

hihingiin kita sa KANYA simula ngayung araw na ito
siguro panahon na para humiling ako ng taong makakasama ko
mag aantay ako sa KANYANG ibibigay
kung hindi man ikaw yun,
wala ako magagawa

alam ko naman na yung tama ang ipagkakaloob nya sa akin
mag aantay lang ako at patuloy na aasa at mananalangin

sa ngayun, ikaw ang nasa aking isipan.
diko masabi na mahal kita kasi alam kong hindi pa
pero alam ko pinakikilig mo ako sa bawat oras na nag dadaan

dati ang lagi kong ipinapanalangin ay para sa aking pamilya
ng bigla ko nalang naramdaman ngayon,
na may kailangan din pala ako

isang matinding pagmamahal
na di nila kayang ibigay,
aaminin ko, na minsan ang pagmamahal na binibigay nila sa akin
ay maihahalintulad ko sa isang plastic
marupok

kung ikaw kaya, matutunan mo kaya akong gustuhin?
sa kahit anu pa mang kalagayan ko?

diko pa nasubukang magkarelasyon ng tunay
sa edad kong ito,
pakiramdam ko nahuli na ako
pero akala ng bawat taong nakakausap ko
eh bihasa ako

sa karanasan
sa buhay
sa pakikisalamuha
sa pamilya
sa kaibigan

pero di nila alam,
ako rin ay katulad nila
naghahanap ng kalinga
ng makakasama

sabi nila hindi pa nila nahahanap ang sarili nila
sabi ko, di nila kailangan hanapin
dahil tayo ang gumagawa kung sino tayo

akala ko din dati na hindi ko pa natatagpuan ang tunay na ako,
hindi pala ganoon.
Hindi ko lang kilala kung sino talaga ako
pero habang tumatagal mas lalong nahuhubog at mas lalong lumalakas
ang pagkakaintindi ko kung anu ang kaya ko gawin at kung sino ako

kagaya din ako ng nanay ko
di nya kami pinabayaan
di nya kami iniwan sa kawalan

pero mas kaya ko pang higitan ang kanyang nagawa
dahil natuto ako sa kanyang pagkakamali

kagaya din ako ng tatay ko
pareho ng hilig
parehong may sapak sa utak

pero mas lamang ako sa kanya,
dahil natuto akong lumabas sa aking lungga kahit na medyo nahuli.

marami pang kulang sa buhay ko
marami pa akong inaasahan na mangyayari
babaliktad pa ang mundo
iikot parin ito
at patuloy kong mararanasan ang mga naranasan ko na

saya
lungkot
kapighatian
katuwaan
sakit
ginhawa
etc

pero aking ipinagpapasalamat parin
dahil nandyan ka
kahit malayo ka,
kahit na kaibigan mo lang ako
trinato mo akong higit pa dito
salamat sa karanasan
nakakilala ako ng tao
na sobrang talino
sobrang dami ng alam sa buhay
sobrang mapagkumbaba
sobrang napakabait
na halos kapareho ko ng kalagayan
halos kapareho ko ng edad
halos kapareho ng gusto sa buhay

pero madaming parin tayong pagkakaiba

aminin ko man na gustong gusto na kita
na pag iniiwan mo ako dito
ako ay nalulungkot
na alam kong ikaw lang makakapagbigay ng ngiti sa aking mukha

pero napaka impossible
sobrang impossible
iba ka
iba ako

pero ang lahat ng gawa ko ay alay sa iyo
dahil nagagawa ko lang ang mga bagay na ito
nang dahil sa iyo

salamat

sana kahit magkaroon na tayo ng kanya kanyang buhay
wag mo akong kalimutan
wag mo akong iwasan

at ng sa gayo'y maipagpatuloy natin
ang nagiisang magandang nangyari
sa pagitan ng dalawang tao
na sobrang magkapareho
pero sobrang magkaiba

nag iisa ako

père

it is a sin to hate you,

but why are you making me hate you?

should i just ignore the things you did to me?

and i am bruised once again...

caused by you...

causé par mon père

Wednesday, April 2, 2008

param param parararam


nagsimula ang araw ko sa matinding sakit ng ulo,
kala ko migraine pagtayo ko,
medyo nabawasan
hypertension?wag sana


ilang araw na akong masaya kahit na minsan naiinis ako
last week sobrang malungkot bakit ganun,
minsan masaya
minsan malungkot
di ba pwedeng masaya na lang lagi?
diba pwedeng bawat tao ay masaya palagi?


bakit ba nagkakaproblema ang tao?

"poor coping skills"?
mag sasawa kaba kung lagi kang masaya?
kasi alam ko nakakasawang maging malungkot

sabi ng nanay ni katerina,

kung iniisip mo na buong mundo ang dinadala mo,

just watch the news



sa ngayun walang effect sa akin ito

dahil lubhang kasiyahan nararamdaman ko

may nakikita akong pagbabago sa kalagayan ko
sa kalagayan ng pamilya ko
sa paniniwala ko


dumating na ako sa punto na suko na ako
pero hindi pala dapat
kahit sino sa atin di dapat sumuko

dahil may panahon ang lahat

kailangan mo lang malagpasan ang bawat araw na lumilipas


pero siguro sa dami ng nakita kong sumuko

at nagdahilan na ginawa nila ang lahat
hindi ako naniniwala

dahil ang nag iisang hindi nila ginawa

ay ang umasa


sa mundong ating ginagalawan

at sa pananatili ko ng dalawamput anim na taon dito

ang pinakaimportanteng aral na natutunan ko
ay ang umasa at magpakatatag


wala na sana akong buhay
kung ako ay nawalan ng pag asa


kahit na sabihin nila na ang bawat tao ay may pagkakaiba

naniniwala ako na ang salitang PAG ASA ang di nagkaiba sa atin


hmmm bakit ba ako umabot sa ganito
gutom?


wahahaha



basta ngayun araw na ito napakasaya ko

pagbaba ko subway,
may naririnig akong humuhuni

"param param, parararam, tarum tarum, tarararaum"

umaawit ang matandang lalaki sa aking harapan
nasa walumpong taon na sya
siguro
masaya din sya
kagaya ng panahon

at mga ibon na nagliliparan

napaka ganda ng sikat ng araw
malamig pero mainit


;)

Tuesday, April 1, 2008

kiliti



iyong kiniliti
lihim na pagtingin
iyong napangiti
labas pati ngipin

------------------

ayoko na sana
pero damang dama
ang bugso ng pagkahanga
para sa'yo sinta

April Fools' Day

unang beses palang ako nabiro dahil sa okasyong ito
at ilang beses akong nagpadala
sobrang saya pala
tawa sila ng tawa
tawa rin ako ng tawa


tuloy sana ang lecture kaso
diko mapigilan tawa ko
kaya tinuloy namin ang tawanan
hanggang matapos ang klase

bagong buhay ako ngayon
bagon buwan
bagong araw