Saturday, May 24, 2008

kumpisal

Nung mga nakaraang linggo, hindi maayos ang buhay ko.
Lagi ko pinipilit ipihit ang direksyon ng buhay ko sa alam kong tama.
Ngunit sa bawat pagsubok na gawin ko, palaging may kulang.

At sa bawat oras, ang dahilan na maari ko lang isipin ay ikaw.
Ito ang mahirap sa akin, hindi ko alam ihiwalay ang mga sitwasyon sa dapat nilang kalagyan.
Hindi dapat maapektuhan ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko ng isang sitwasyong wala sa lugar.
Subalit wala akong alam na paraan para paghiwalayin ito.
Sang ayon ako na hindi kailan man mapipigil ang silakbo ng damdamin.
Pero ang kilos o galaw na nakaugnay dito ay pwedeng baguhin.

Hindi ko alam bakit ako nagpapapaapekto masyado.
Ang nakakainis lang, bakit minsan,..
o sa kadalasan ay hindi ka man lang pinapansin ng taong gusto mo.

Bakit ganun, bakit hindi ka pwedeng gustuhin ng taong gusto mo.
bakit hindi ka pwedeng mahalin ng taong mahal mo.
bakit hindi pwede. bakit madaming mali. bakit madaming bawal.
kahit na ang pakiramdam ay tama.

Mali ba ang magmahal?
Mali ba ang magkagusto?
Mali ba na i alay mo ang isang parte ng buhay mo sa isang tao na pakiramdam mo ay karapatdapat makatanggap nito?

Bakit mahirap ang maging maligaya.

durog ang aking puso.
durog na durog.

dati gusto lang kita.
dati natutuwa lang ako sa iyo

ngayun ako ay nasasaktan
siguro nga ay mahal na kita.

No comments: