Monday, April 7, 2008

LITO : A -- confused, turbid, perplexed, disconcerted, puzzled, nonplussed, sea: at sea N -- confusion

hindi ko alam kung ito ay hindi pareho ng idea sa mga nauuna
pero ang alam ko sa ngayun,

hindi pwedeng turuan o baguhin ang iyong nararamdaman
maaring makalimot ka saglit

maaring akalain mo na tapos na

maaring pakiramdam mo ay ayos lang lahat

pero ito ay maari lang

hindi ka parin sigurado

kung nandyan pa ang dating mong nararamdaman

kung malungkot ka, ay malungkot ka parin

kung masaya ka, ay masaya ka parin
pagkatapos ng pagibang direksyon ng iyong nararamdaman

babalik din ito sa dati hanggat walang pumipigil o tumatapos dito


gayahin nating halimbawa ang buhay ko,


bata pa ako,
pakiramdam ko mag isa lang talaga ako

kahit saksakan ng dami ng kaibigan ko

tawa kami ng tawa

laro ng laro
pero sa huling oras ng araw,
ako uli mag isa

baunin ko man ang karanasan sa aking pagtulog

ang katotohanan parin ay nag iisa ako


sa ngayon, malayo ako sa pamilya ko

sila ang ginawa kong inspirasyon

una si tatay, dahil diko sya kasama sa paniniwala

at gusto ko na makasama ko sya


si nanay, dahill di sya nawalan ng pag-asa sa buhay
kahit iba ako para sa kanya.
nanay talaga ang ilaw ng tahanan

sa mga kapatid ko,
na pag nag away kami eh lumilindol ang bahay

gwapo nga kayo, nasa akin naman lahat ng utak...hanggang baba(chin) :P

malayo ako sa kanila,

at malungkot ako dahil di kami buo

halos walong taon akong nanatili sa bahay na walang pamilya

walang nanay at tatay

at ngayon ako naman ay nalayo

miss na miss ko na sila
at ako sobrang lungkot


ilang buwan ang nakakaraan
ng naramdaman ko
ang matinding pagkalungkot
iyak dito, iyak doon
dumating ang araw

nag iba ihip ng hangin

tawa na lang ako ng tawa
masaya


pero anu nga ba ang totoo...


nasa malayo parin ang pamilya ko

masaya ba ako o malungkot?

sila nga ba ang nasa puso at isipan ko?

pero paano naman ako?

anu nga ba ang kailangan ko?

panu ngaba tumanda?

nasa edad ngaba ang pagtanda
o nasa karanasan?
masasabi mo bang tumatanda ka
kung kulang ka ng karanasan?
ang dami pang tanong sa aking isipan.
bibili nga ako ng Book of Answers.
;)

baka sakali,
matagpuan ko duon
ang mga kasagutan...

lahat nga ba ng tanong ay may kasagutan???

No comments: