Sunday, April 27, 2008

nana

nana
(ay isang manilawnilaw na likidong namumuo sa
lugar ng naimpeksyong sugat.)


minsan madami tayong mga nasasabi na pinaniniwalaan natin
ngunit pagkalipas lang ng ilang araw,
pagnadanasan ang ibang bagay
ang paniniwala natin ay mag iiba

hindi ako sigurado kung ito ay sa akin lamang o nararamdaman din ng iba
hanggang sa ngayun ang naging karanasan ko ay kakaiba at nagpapabaliktad ng tingin ko sa mundo

ito nga ba ay sa kadahilanang nagbabago ang mga tao ng kusa
at mula sa puso at isipan?
o ito ay dahil sa ating kapaligiran?

maari ngabang magbago ang paniniwala mo kung ikaw ay nagigipit?
o paninidigan mo ang iyong nasa isipan?

maari bang magbago ang paniniwala mo dahil sa bugso ng damdamin?
kung oo, gaano ang itatagal bago mo maramdaman ang panghihinayang?

maari mo pabang ibalik ang nakaraan para lamang baguhin ang nagawa mo?
gaya rin ito ng isang bagay na iyong nasabi, pinanindigan,
maari mo pabang bawiin ito ng walang pag aalinlangan?

ang totoo,
walang nakakaalam

at hindi hindi mo malalaman kung anu ang kakalabasan ng iyong ginawa
kung hindi mo susubukan

ang kelangan lang eh lakas ng loob sa pagtanggap sa mga maaring mangyari
at kahandaan ng sarili

hindi mo kakayanin labanan ang emosyon kahit anu ang gawin mo
maari mong kontrolin ang ang iyong reaksyon, ngunit
kahit kailan, ang iyong nararamdaman ay hindi magbabago

gaya ng isang taong galit;
maari mong kontrolin ang iyong reaksyon, kagaya ng pagdadabog
pero ang galit sa iyong puso at isipan ay mananatili.

hanggang ngayon
ang aking nararamdaman
ang aking nasa isipan
ay napakagulo

ang mga isyu na bumabalot sa aking pagkatao ay hindi naman napakalaking bagay
kumpara sa ngyayari sa mundo
ngunit hanggat ito ay aking hindi nasosolusyonan
hindi ako magiging epektibong mamamayan sa mundo

naway bagsakan ako ng
kalinawan
kapayapaan at
katalinuhan
sa pag iisip

bagsakan ako ng
pag ibig
pagmamalasakit at
pagpapahalaga
sa puso

nais kong ibahagi
ang natitira kong oras
para sa mundo
at sa bawat nilalang na ginawa ng Diyos


matuto sana akong
makihalubilo sa samut saring karanasan na pwede kong daanan
mahirap ang naiiwan sa pag ikot ng mundo
mahirap ang maging isang basura
mahirap maging isang parasitiko

hiling ko lamang
magkaroon ako ng paninindigan
sa aking pinaniniwalaan

hiling ko din
ang kamulatan
sa mga bagay na pilit bumabagabag sa aking puso at isipan

balatkayo lamang
ang aking pagkatao

alam mo na siguro kung bakit.

No comments: