Thursday, April 3, 2008

alay ko sa iyo, giant.


sa isang iglap lang nagbago ang ihip ng hangin
kahapon napakasaya
ngayun namay nagsimula na namang gumuhit
ang gasgas na magiging sugat

pero nang makita ko ang iyong likha, ang iyong ngiti,
ang hapdi na dulot ng sugat ay dina naramdaman

ang swerte ko pala dahil nakilala kita
ang swerte ko dahil sa dami ng tao na pwede mong kausapin
napili mo ako

napapangiti mo akong parati kahit sa anung oras
bago ako matulog nandyan ka,
pagkagising ko nandyan ka parin
bago ako pumasok nandyan ka

Alam ko di tama na ikumpara kita sa KANYA
kasi wala ng hihigit pa sa KANYA
pero sa bawat oras na mangailangan ako nandyan ka

pwede bang akin ka nalang?
maaari ba?

hihingiin kita sa KANYA simula ngayung araw na ito
siguro panahon na para humiling ako ng taong makakasama ko
mag aantay ako sa KANYANG ibibigay
kung hindi man ikaw yun,
wala ako magagawa

alam ko naman na yung tama ang ipagkakaloob nya sa akin
mag aantay lang ako at patuloy na aasa at mananalangin

sa ngayun, ikaw ang nasa aking isipan.
diko masabi na mahal kita kasi alam kong hindi pa
pero alam ko pinakikilig mo ako sa bawat oras na nag dadaan

dati ang lagi kong ipinapanalangin ay para sa aking pamilya
ng bigla ko nalang naramdaman ngayon,
na may kailangan din pala ako

isang matinding pagmamahal
na di nila kayang ibigay,
aaminin ko, na minsan ang pagmamahal na binibigay nila sa akin
ay maihahalintulad ko sa isang plastic
marupok

kung ikaw kaya, matutunan mo kaya akong gustuhin?
sa kahit anu pa mang kalagayan ko?

diko pa nasubukang magkarelasyon ng tunay
sa edad kong ito,
pakiramdam ko nahuli na ako
pero akala ng bawat taong nakakausap ko
eh bihasa ako

sa karanasan
sa buhay
sa pakikisalamuha
sa pamilya
sa kaibigan

pero di nila alam,
ako rin ay katulad nila
naghahanap ng kalinga
ng makakasama

sabi nila hindi pa nila nahahanap ang sarili nila
sabi ko, di nila kailangan hanapin
dahil tayo ang gumagawa kung sino tayo

akala ko din dati na hindi ko pa natatagpuan ang tunay na ako,
hindi pala ganoon.
Hindi ko lang kilala kung sino talaga ako
pero habang tumatagal mas lalong nahuhubog at mas lalong lumalakas
ang pagkakaintindi ko kung anu ang kaya ko gawin at kung sino ako

kagaya din ako ng nanay ko
di nya kami pinabayaan
di nya kami iniwan sa kawalan

pero mas kaya ko pang higitan ang kanyang nagawa
dahil natuto ako sa kanyang pagkakamali

kagaya din ako ng tatay ko
pareho ng hilig
parehong may sapak sa utak

pero mas lamang ako sa kanya,
dahil natuto akong lumabas sa aking lungga kahit na medyo nahuli.

marami pang kulang sa buhay ko
marami pa akong inaasahan na mangyayari
babaliktad pa ang mundo
iikot parin ito
at patuloy kong mararanasan ang mga naranasan ko na

saya
lungkot
kapighatian
katuwaan
sakit
ginhawa
etc

pero aking ipinagpapasalamat parin
dahil nandyan ka
kahit malayo ka,
kahit na kaibigan mo lang ako
trinato mo akong higit pa dito
salamat sa karanasan
nakakilala ako ng tao
na sobrang talino
sobrang dami ng alam sa buhay
sobrang mapagkumbaba
sobrang napakabait
na halos kapareho ko ng kalagayan
halos kapareho ko ng edad
halos kapareho ng gusto sa buhay

pero madaming parin tayong pagkakaiba

aminin ko man na gustong gusto na kita
na pag iniiwan mo ako dito
ako ay nalulungkot
na alam kong ikaw lang makakapagbigay ng ngiti sa aking mukha

pero napaka impossible
sobrang impossible
iba ka
iba ako

pero ang lahat ng gawa ko ay alay sa iyo
dahil nagagawa ko lang ang mga bagay na ito
nang dahil sa iyo

salamat

sana kahit magkaroon na tayo ng kanya kanyang buhay
wag mo akong kalimutan
wag mo akong iwasan

at ng sa gayo'y maipagpatuloy natin
ang nagiisang magandang nangyari
sa pagitan ng dalawang tao
na sobrang magkapareho
pero sobrang magkaiba

nag iisa ako

2 comments:

Anonymous said...

naks! tumitibok pala puso ni tuliling. hehehe!

kuliling said...

oo naman ;) kilala mo ba? wahaahahha