Friday, April 4, 2008

takbo

ang dami ng tumatakbo sa aking isipan
sa sobrang dami hindi ko alam kung san ako magsisimula

gaya ng gawain ko sa bahay
sa sobrang dami
natatambakan ako.
ngayun pa napakasakit ng mga braso ko

pang limang araw ko ng binubuhat
dumb bells na makikinang

gusto ko ng tumakbo
pero diko gusto ang panahon

gusto ko din bumalik
sa larangan ng pagsipa at pasuntok
pero san ako kukuha
ng perang ipang tutustos

arghhh
ang dami kong gustong gawin
gaya ng dami ng gusto kong isulat
at gaya din ng dami ng kalokohan sa aking isipan
isabay pa ang dami ng problema sa aking buhay
dami ng hinanaing sa magulang
at dami ng tubig sa karagatan (huh?)

nagdadamdam parin ako sa aking ama
alam ko may mali ako
pero...
pero tama bang magdahilan ako at mangatwiran ng ganito?

makakalimutan ko din ito
gaya ng paglimot ko nuon
sa mga pasang nakuha
na mula sa kanya

mahal ko ang mga magulang ko
gaya ng lagi kong panalangin
kahit na walang mangyari sa buhay ko
kahit na diko matupad ang mga pangarap ko
mapagsilbihan ko lang kayo

gaya ng dahilan ng iba
ako ay tao lamang
kinikilig din
wahahahaha

maniwala ka man o hindi
ang ngiti na dulot ng kilig na ito
ay nanatili parin sa aking mukha

______________

pangako bukas,
pagtuyo ang daanan,
ako ay muling tatakbo
at iisipin ang buo mong pagkatao
na nagdudulot
ng aking kasiglahan

______________
DEAR GOD
THANK YOU PO
NG SOBRA

No comments: