Wednesday, April 2, 2008

param param parararam


nagsimula ang araw ko sa matinding sakit ng ulo,
kala ko migraine pagtayo ko,
medyo nabawasan
hypertension?wag sana


ilang araw na akong masaya kahit na minsan naiinis ako
last week sobrang malungkot bakit ganun,
minsan masaya
minsan malungkot
di ba pwedeng masaya na lang lagi?
diba pwedeng bawat tao ay masaya palagi?


bakit ba nagkakaproblema ang tao?

"poor coping skills"?
mag sasawa kaba kung lagi kang masaya?
kasi alam ko nakakasawang maging malungkot

sabi ng nanay ni katerina,

kung iniisip mo na buong mundo ang dinadala mo,

just watch the news



sa ngayun walang effect sa akin ito

dahil lubhang kasiyahan nararamdaman ko

may nakikita akong pagbabago sa kalagayan ko
sa kalagayan ng pamilya ko
sa paniniwala ko


dumating na ako sa punto na suko na ako
pero hindi pala dapat
kahit sino sa atin di dapat sumuko

dahil may panahon ang lahat

kailangan mo lang malagpasan ang bawat araw na lumilipas


pero siguro sa dami ng nakita kong sumuko

at nagdahilan na ginawa nila ang lahat
hindi ako naniniwala

dahil ang nag iisang hindi nila ginawa

ay ang umasa


sa mundong ating ginagalawan

at sa pananatili ko ng dalawamput anim na taon dito

ang pinakaimportanteng aral na natutunan ko
ay ang umasa at magpakatatag


wala na sana akong buhay
kung ako ay nawalan ng pag asa


kahit na sabihin nila na ang bawat tao ay may pagkakaiba

naniniwala ako na ang salitang PAG ASA ang di nagkaiba sa atin


hmmm bakit ba ako umabot sa ganito
gutom?


wahahaha



basta ngayun araw na ito napakasaya ko

pagbaba ko subway,
may naririnig akong humuhuni

"param param, parararam, tarum tarum, tarararaum"

umaawit ang matandang lalaki sa aking harapan
nasa walumpong taon na sya
siguro
masaya din sya
kagaya ng panahon

at mga ibon na nagliliparan

napaka ganda ng sikat ng araw
malamig pero mainit


;)

No comments: