'Was late in class this morning. Hehehe. Kasi ba naman kung anu anung kalokohan dumaan sa aking isipan. Dumaan ako ng Parliament para tignan kung may iba pang tumatakbo, pero sa kasamaang palad, nakita ko na masyadong napakaraming tao. Gaya ng isang gym na pinuntahan ko, saksakan ng dami ng intsik. Wahahaha.
Stroke ang pinagusapan namin sa klase. Nanuod muna kami ng maiksing palabas tungkol dito. Ang daming tanong ni Halyna, nakakaloka na nakaka-asar. Paulit ulit na pinaliwanag ni Hillary na dipende sa lugar na tinamaan sa iyong utak ang sintomas na iyong makikita. Pero itong isa ang hirap umintindi. Di naman sa nagmamagaling ako pero dapat nag ESL muna sya. Anim na taon na siya sa Canada pero hirap syang umintindi ng inlges. Nakausap ko ang kanyang mga anak at magagaling naman ito mag salita. Hindi ko lang lubos maisip kung paano sya nakatagal ng hindi o hirap sya masyado umintindi. Naalala ko nuon, umabot kami ng alas 7 ng gabi kakapaliwanag ko lang ng masels ng lower extremities. Hahay.
Kelangan magtyaga dahil kulang kulang 2 months nalang at tapos na ang lahat!
Naturuan din kami ng retrogade massage. Wahehehe ang kulit ni Pedro. Buti nalang di ako nagmasahe sa kanya kasi ang dami nyang buhok! wahahahaha! minsahe nya ang aking mga binti, ang laki nyang tao at ang gaan ng kamay nya ;) kakatuwa :) Kakainis lang at lagi nya akong tinititigan at ako lagi ay napapaiwas. Euwwwwwwwwww!!! kakadiri! wahahahaha. Ayaw ko sa bata. wahahahaha.
Pag uwi, tuloy ang kwentuhan namin ni Katerina. Buti nalang mabait sya. Wahehehe. Bumabaa ulit ako sa Yonge, bumili ng fineliner. Ubos lagi ang pera ko sa letseng marker. Adik? pag uwi naglakad ako at masarap ang hangin na tumama sa aking mukha. Maaraw na malamig.
Madami akong nakitang tao. Masaya. Laging masaya pag maaraw :) Sumikat ang araw ng 645 am at eto, palubog palamang samantalang alas 8 na ng gabi ;)
Gusto ko na talaga dito. Sana maging maayos na ang lahat :) Exited na ako magtrabaho. :D
ahehehehe. nakangiti ako palagi
salamat po sa Inyo.
No comments:
Post a Comment