Sunday, August 23, 2009

감사합니다.

sa sitwasyon ko ngayun, malayo sa aking isipan ang umibig (naks)
hinahanap ko pa ang aking sarili.
tuliro sa mundong ginagalawan
nakakulong sa bakal na pag aaruga.

sa tuwing ako ay may problema, ikaw ang naiisip ko
dyan ka lang,
wala kang kailangang gawin,
hayaan mo lang masdan ko ang mga singkit mong mata,
at ang biloy mong panunaw sa aking dalamhati.

lagi akong natutuwa pagnakikita kong nandyan ka lang.
lagi akong nabibigyan ng pag asa sa buhay sa iyong mga ngiti,

sa tuwing ako ay mapapansin mo,
tumitigil ang mundo ko
napapadpad ako sa paraiso
nalilimutan ko ang problema at
ninanais ko lang maging masaya sa harap mo.

pwede ba, wag mo akong kalimutan?
pwede ba, habang buhay na tayong magkaibigan?
pwede ba?
kahit sa ganitong paraan lang...

감사합니다.

No comments: