Sunday, August 23, 2009

감사합니다.

sa sitwasyon ko ngayun, malayo sa aking isipan ang umibig (naks)
hinahanap ko pa ang aking sarili.
tuliro sa mundong ginagalawan
nakakulong sa bakal na pag aaruga.

sa tuwing ako ay may problema, ikaw ang naiisip ko
dyan ka lang,
wala kang kailangang gawin,
hayaan mo lang masdan ko ang mga singkit mong mata,
at ang biloy mong panunaw sa aking dalamhati.

lagi akong natutuwa pagnakikita kong nandyan ka lang.
lagi akong nabibigyan ng pag asa sa buhay sa iyong mga ngiti,

sa tuwing ako ay mapapansin mo,
tumitigil ang mundo ko
napapadpad ako sa paraiso
nalilimutan ko ang problema at
ninanais ko lang maging masaya sa harap mo.

pwede ba, wag mo akong kalimutan?
pwede ba, habang buhay na tayong magkaibigan?
pwede ba?
kahit sa ganitong paraan lang...

감사합니다.

Friday, August 14, 2009

Panalangin

O Makapangyarihan sa lahat
Maaari Mo bang dinggin
Puso kong nananawagan?

Pagsubok mong binigay
Tila diko kakayanin.
Mahal ko sila
Ayaw ko silang masaktan

Ngunit ako ay nawawalan ng pag-asa
Mahabaging Bathala,
ako ay iyong kaawaan.

Puso ko ay pira piraso
at nananatili ang hapdi na nararamdaman

Ama,tiklop tuhod ako sa Iyo ay nakikiusap
Patawarin ako sa lahat ng sala...
Alisin Mo po ang bigat sa aking dibdib
Ibalik ang aking pagkahilig sa syensya.

Parang awa Mo na po,
Nais ko lang magaanan...
Dahil po sa kawalan ko ng pag-asa
Buhay ko ay parang wala ng halaga.

Maaawa ka o Ama...maaawa ka....
Ako po ay lugmok na,
Ngunit malakas pa ang pananampalataya
Na tumawag lamang sa Bathala
At panalangin ko ay iyong tutuparin.

Amen

Tuesday, July 28, 2009

tag ulan

bumubuhos ang ulan
galing sa kalawakan,
ulap kay dilim
parang gilagid na kay itim :)

tulala sa bawat patak
si nanay ay tumatalak
ginataang kalabasa
ang ulam sa mesa.

aso'y tumakbo
bisita'y napaupo
tao po
meralco po! :)

Monday, July 27, 2009

sa saliwng iyong mga ngiti

Sa saliw ng iyong mga ngiti,
Puso ko'y nangingilid sa kasiyahan.

Mga isipin ay nalilimutan pansamantala
habang nakatatak ang kislap ng iyong mukha.

Di man kita nasisilayan araw araw,
Sa bawat pagkakataon naman na tayo'y nagtatagpo
walang kapantay na kagalakan ang nadarama.

Mukha mo ay parang anghel,
Na may kaunting kasutilan
Na nagpapaigting ng aking pagtingin.

Kahit kaibigan man lang,
Sana ay panghabang buhay,
Walang limutan.

Bukas o sa makalawa,
naway ngiti mo ay muling masilayan :)

Wednesday, July 22, 2009

supalpal

Sa panibagong araw na ito, luma ang aking karanasan.
Sapagkat ganun parin ang aking nararamdaman.

Nanlilimahid ako sa bawat kaisipang pumapasok sa aking mababaw na pag-iisip.
Patuloy ang pagtakbo ng oras, habang ako ay nag iisip ng walang kwentang bagay.

Mabagal man, subalit kahit papaano, isa isa kong pilit binabalik.
Mga bagay na dati ko ng ginagawa, pampalipas ora. Hahahaha!!!

Natatawa ako, pero may karapatan ba akong tumawa o ngumiti man lang?
Pansamantala lamang naman,

Alam naman ng karamihan,sa ilalim ng mapagpatawang anyo,
ay napakalagim na nakaraan.

Supalpal sa mukha...

Monday, July 20, 2009

hindi ko mahanap ang sagot

Ang katanungan kung bakit ay isa sa pinakamalaking isipin ngayun sa akin buhay.

Matapos kong maranasan ang isang hindi magandang bagay sa malayong lugar, depresyon ang kumain sa aking sarili. Nawalan ako ng pag-asa.

Ilang buwan narin ang nakakalipas, at sa tagal na iyon, dapat ako ay nakabangong muli.
Pero heto ako, nakatitig parin sa kawalan. Samo't sari ng sigaw at sermon ang aking narinig, ginagambala na ang aking pagkatao....ngunit ako ay di parin natitinag.

Ako ay parang tuod.
Hindi, mas malala pa sa tuod.
Ilang gabi akong humikbi, ilang gabi akong nag-isip subalit wala itong pinatunguhan.

Ako ay nasasaktan, pero hindi ko alam kung paano, anu, saan, kelan, at higit sa lahat BAKIT.

Bakit ko kailangang tumayong muli?
Para saan?
Hindi ko mahanap ang silbi ko sa buhay.
Hindi ko alam kung bakit...

Bakit ko tinungo ang sitwasyong magdidiin sa akin sa kawalan?
Bakit ganito ako humarap sa buhay?
Bakit puno ng galit at hinanaing ang aking puso at kaluluwa?
Bakit, Bakit, Bakit?

Hindi ko mahanap ang sagot.

harlene-07/21

Thursday, May 7, 2009

depresyon

ako ay nagtatago sa malagim na sitwasyon
sitwasyong ako ay baon na baon.

dapat ko bang ikumpara ang iba?
teka...

hindi pa ako handa,

sana mapunan ko ang kulang sa aking kaluluwa.

Ako ay iyong gabayan.
Parang awa mo na.



.....hikbi.....

Thursday, March 12, 2009

paulit ulit

lutang na naman ang aking isipan
di malaman ang gagawin sa kinalalagyan

Monday, February 9, 2009

api

aping api ang aking pakiramdam
sa mundong ginagalawan

mga taong nakalukluk sa upuan
kung umasta ay diyos diyosan

kailan matatauhan
ang mga taong manhid sa kahirapan

taong nabagok
lalo pang dinudurog

...bakit
...masakit

biktima ako...
anu ang dapat kong matutunan
anu ang dapat kong ibahagi


hanggang ngayun ako ay lutang sa kawalan...
sana sa madaling panahon ako ay mahimasmasan..