Tuesday, July 28, 2009

tag ulan

bumubuhos ang ulan
galing sa kalawakan,
ulap kay dilim
parang gilagid na kay itim :)

tulala sa bawat patak
si nanay ay tumatalak
ginataang kalabasa
ang ulam sa mesa.

aso'y tumakbo
bisita'y napaupo
tao po
meralco po! :)

Monday, July 27, 2009

sa saliwng iyong mga ngiti

Sa saliw ng iyong mga ngiti,
Puso ko'y nangingilid sa kasiyahan.

Mga isipin ay nalilimutan pansamantala
habang nakatatak ang kislap ng iyong mukha.

Di man kita nasisilayan araw araw,
Sa bawat pagkakataon naman na tayo'y nagtatagpo
walang kapantay na kagalakan ang nadarama.

Mukha mo ay parang anghel,
Na may kaunting kasutilan
Na nagpapaigting ng aking pagtingin.

Kahit kaibigan man lang,
Sana ay panghabang buhay,
Walang limutan.

Bukas o sa makalawa,
naway ngiti mo ay muling masilayan :)

Wednesday, July 22, 2009

supalpal

Sa panibagong araw na ito, luma ang aking karanasan.
Sapagkat ganun parin ang aking nararamdaman.

Nanlilimahid ako sa bawat kaisipang pumapasok sa aking mababaw na pag-iisip.
Patuloy ang pagtakbo ng oras, habang ako ay nag iisip ng walang kwentang bagay.

Mabagal man, subalit kahit papaano, isa isa kong pilit binabalik.
Mga bagay na dati ko ng ginagawa, pampalipas ora. Hahahaha!!!

Natatawa ako, pero may karapatan ba akong tumawa o ngumiti man lang?
Pansamantala lamang naman,

Alam naman ng karamihan,sa ilalim ng mapagpatawang anyo,
ay napakalagim na nakaraan.

Supalpal sa mukha...

Monday, July 20, 2009

hindi ko mahanap ang sagot

Ang katanungan kung bakit ay isa sa pinakamalaking isipin ngayun sa akin buhay.

Matapos kong maranasan ang isang hindi magandang bagay sa malayong lugar, depresyon ang kumain sa aking sarili. Nawalan ako ng pag-asa.

Ilang buwan narin ang nakakalipas, at sa tagal na iyon, dapat ako ay nakabangong muli.
Pero heto ako, nakatitig parin sa kawalan. Samo't sari ng sigaw at sermon ang aking narinig, ginagambala na ang aking pagkatao....ngunit ako ay di parin natitinag.

Ako ay parang tuod.
Hindi, mas malala pa sa tuod.
Ilang gabi akong humikbi, ilang gabi akong nag-isip subalit wala itong pinatunguhan.

Ako ay nasasaktan, pero hindi ko alam kung paano, anu, saan, kelan, at higit sa lahat BAKIT.

Bakit ko kailangang tumayong muli?
Para saan?
Hindi ko mahanap ang silbi ko sa buhay.
Hindi ko alam kung bakit...

Bakit ko tinungo ang sitwasyong magdidiin sa akin sa kawalan?
Bakit ganito ako humarap sa buhay?
Bakit puno ng galit at hinanaing ang aking puso at kaluluwa?
Bakit, Bakit, Bakit?

Hindi ko mahanap ang sagot.

harlene-07/21