pagyakap sa tunay na damdamin
natuto ka na bang magmahal?
naramdaman mo nabang mahalin ka ng iba?
ang may magmahal sa iyo ng higit pa sa isa?
at ikaw naman ay ang magmahal ng higit sa isa?
umasa kanabang may magmamahal sa iyo?
alam mo naba ang pakiramdam na walang laman?
alam mo ba ang tunay na kahulugan ng lungkot?
arggghhhhhh ikaw parin.
Wednesday, June 18, 2008
buhay
iba iba ang bilis ng takbo ng buhay
minsan ang ikot nito ay napakahusay
at ayon sa ating nais
ngunit minsan naman ito ay kay lumanay
na parang hangin sa patay
at nakakaantok
ganumpaman
patuloy parin ang paggulong nito
paano ngaba natin haharapin ang alinman
sa uri ng pag ikot ng ating buhay?
paano ngaba natin tutungihin ang daan
patungo sa ating mga pangarap?
anu nga ba ang mga pangarap natin?
hindi ba't iisa lang? isang masaganang buhay?
iisang pangarap at napakaraming paraan para ito ay makamit.
(diko alam tapusin. wala talaga ako gaana. siomai.)

Friday, June 6, 2008
para sa kapatid (ka dugo, kuya, ate, bunso)
nauna ko din ipost sa friendster, madaming natuwa
kung may nagawang masama sa iyo ang iyong kapatid, anu gagawin mo?
ipapahiya mo ba sya sa kanyang mga kaibigan? ididiin mo ba sya o hahayaan?
tutulungan mo ba o hahayaan mong malugmok sa mali?
pero kung ang iyong kapatid ay may nakaaway na ibang tao, o ang kapatid mo ay naagrabyado?
diba't mas matulin kapa sa kabayo para sya ay ipagtanggol?
diba at daig mo pa si flash elorde na puntahan ang nakaaway ng kapatid mo?
bakit ganun....
bakit kung kelan nya kelangan ang suporta mo, saka mo sya ididiin.
diba pwedeng hayaan mo nalang sya matuto sa sarili nyang paa sa halip na hilahin mo ang kanyang pagkatao pababa?
bakit dimo matutunan mahalin ang kapatid mo pag ikaw ang na-agrabyado.
ikaw ba sa CAIN, at ng paboran si Abel, binura mo sya sa mundo?
hindi ganun kuya. lalo na at ikaw ang nakakatanda..
kung alam mong nagkamali sya, hayaan mo syang matuto kung ayaw mo man tulungan.
wag mong palubugin ang lubog na.
at wag mong italikod ang iyong pagmamahal at suporta kung kelan ka kailangan.
kung ayaw makinig edi pabayaan mo.
hindi yung papahiyain mo pa.
kung ikaw namroblema, sino ba una mo lalapitan? diba kapatid...dahil nahihiya kapa sa magulang humingi. dahil wala kang maihaharap sa magulang..pero sa kapatid...pinagdikit na ang bituka nyo...
diko sya kinakampihan. kung mali man nagawa nya, hindi sya sa akin nagkasala.
at kung may nagawa man sya sa akin, dapat ba ako gumanti? makatao ba na gantihan mo ang kapatid mo?
ito ang mga bagay na diko nadama sa iyo.
pero diko pinansin dahil naiintindihan kita at ang pinagdaanan mo.
tinadtad mo ako sa pagkapahiya sa ibang tao nuon sa mga kilos na iyong ginawa.
naalala mo pa ba yun yung dustpan?
eh yung inapakan mo yung mapa ko ng putikan mong paa.
naalala mo paba yung gusto mo bumili ng mga bala ng iyong laruan, pero wala ka makasama?
nung bumili tayo ng dvd sa quiapo?
nung maysakit ka sa tyan at nanginginig kana?
nung masakit ang ngipin mo..
kapatid lang ang mahihingian mo ng tulong. lalo na at matanda ang ating mga magulang.
di naman ako nakakalimot
nandito lang ako
at kasama ka parin sa pangarap ko
bakit?
eh kapatid kita eh.
kahit na ang bukhang bibig mo ay wala akong mararating. oks lang
dito lang ako. di kita ilalaglag.
tol.

para sa mga EX
nauna ko itong ilagay sa friendster.
wag mo ipakita na hurt ka o apektado
wag ka magmakaawa na balikan ka
at higit sa lahat, wag mong tatawaging bayaw ang kapatid ng ex mo. ex mo na nga eh.
wag mo hayaang malugmok ang sarili mo sa kakaisip
wag mo itigil ang sarili mong mundo dahil ikaw din ang maiiwan
wag kang gumawa ng alam mong di tama nagagawain mo lang dahil badtrip ka
oo masakit
oo nakakaloka
parang katapusan na ng lahat..
pero ang totoo
simula palang ito ng paglakas o pagtibay ng iyong damdamin.
simula palang ito ng bagong yugto ng buhay mo.
may plano ang Diyos para sa iyo.
dahil sa tamang oras
sa Kanyang oras, wala kang mararamdamang hirap.
basta gawin mo kung anu ang tama.
wag mo piliting maging rebelde. dahil buhay mo rin ang masisira.
sa halip, pihitin mo ang ikot ng iyong manibela. itungo mo sa direksyong alam mong tama.
unahan mo ng paghingi ng gabay bago ka mamili ng dadaanan.
;) at ang lahat ay aayon sa tamang lugar.

Subscribe to:
Posts (Atom)